life stance

December 11, 2008
Question: Are you an atheist or a theist?

24. mula sa ebolusyon ng mga unggoy
23. ako’y hominid na dating mabalahibong may buntot
22. at di ko kailanman kayang paniwalaan na
21. kaya ako umiiral sa mundo ay dahil may Diyos
20. siguro ay ikinabigla mo pero kung
19. “Diyos ang lumikha sa lahat-lahat”
18. ito ay isang malaking kagaguhan! dahil talagang
17. “tao lang naman ang umimbento sa Diyos”
16. at nais kong malaman ng lahat na nagsasabing
15. dahil di mo nakikita o nahahawakan, “it doesn’t exist”
14. ito ay isang payak na katotohanan ng buhay, na hindi
13. pananampalataya at relihiyon
12. ang pinakamahalagang dapat matutunan ng tao kundi
11. lohika at pilosopiya
10. anomang argumento pa ang ipilit mo, hindi
9. si Adan at Eba ang mga ninuno natin
8. kahit di man ito matatanggap ng lahat ay
7. hindi mo kayang pasubalian ang totoo
6. sa maniwala ka man o sa hindi
5. ang Bibliya ay likhang isip lamang ng tao
4. napakabobo mo kung inaakala mong
3. meron talagang Diyos sa kaitaastaasan
2. binaligtad lang ng ibang tao ang katotohanan

1. basahin mo uli …

Answer: I’m a Christian.